Nanatiling ligtas ang mga Pilipinong naninirahan sa bansang Israel sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Palestinians at Israeli security forces.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Mamerto Malanum na maituturing na normal na ang mga ulat patungkol sa ilang pag-atake at tiwala rin aniya sila sa kanilang Ministry of Defense na magiging ligtas silang mga sibilyan sa anumang klase ng pambobomba kung kaya’t hindi umano sila nababahala.
Patuloy din umano silang nakikipagugnayan sa mga filipino community leaders para sa pagmomoitor ng nasa higit 20,000-25,000 mga Pilipino roon para matiyak ang kanilang kaligtasan.
Una rin rito ay naglabas ng abiso ang Embahada ng Pilipinas sa Israel sa kanilang mga Pilipino roon na iwasan ang pagtungo sa West Bank at ilang bahagi ng Jerusalem hanggang sa Mayo 3.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin umano ang pagsasagawa ng overseas absentee voting para sa 65-70% registered voters sa kanilang bansa.
Nakatutok rin umano silang poll watchers ung saan ay kanila umanong tinitityak na wala ring maitatalang pandaraya sa halalan.