DAGUPAN CITY- Hindi pa rin nawawala ang sama-samang pagdiwang ng kapaskuhan ang mga Pilipino na nasa bansang Oman.

Sa panaayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rubella Sabandal Formentera, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, nagkakaroon ng mga pagtitipon ang bawat Pilipinong magkakakilala sa kanilang kinaroroonang bansa upang ipagdiwang ang kapaskuhan.

Aniya, kadalasan nilang pinupuntahan ang mga beach o farm upang sulitin ang kanilang pagsasama.

--Ads--

At para mas maramdaman ang kapaskuhan, nagluluto sila ng mga putahe na kilala sa kultura ng Pilipinas katulad ng adobo.

May pagkakataon din na pinapayagan silang umuwi ng Pilipinas upang maipagdiwang ito kasama ang kanilang sariling pamilya.

Bagaman, madalang lamang ito kaya para kay Formentera, lalo niyang namimiss ang kanilang pamilya tuiwing hindi siya nakakauwi.

Samantala, aniya, hindi rin nawawala ang mga christmas decorations na kaliwa’t kanan makikita lalo na sa mga parke.