DAGUPAN CITY – Nagbubunyi ang mga Pilipino para kay Ahtisa Manalo matapos ang katatapos na Miss Universe 2025 pageant.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cen Lasaca, Bombo International News Correspondent sa Thailand, sinabi niyang masayang-masaya ang Pinoy community sa Bangkok, Thailand sa naganap na Miss Universe 2025 pageant.

Ayon sa kanya, bago pa man magsimula ang event ay nagchi-cheer na at nagkakaisa ang mga Pilipino sa venue para kay Manalo.

--Ads--

Napakapropesyonal umano ng mga Pilipinong nanood ng event. Nagdala pa raw ang ilan sa kanila ng mga banner at larawan ni Ahtisa.

Maisasalarawan na tunay na bayanihan ang ipinakita ng mga Pilipino doon habang masigasig na sumusuporta sa kandidata ng bansa.

Hindi lamang mga Pilipino, kundi maging ang mga taga-Thailand ay very proud sa ipinamalas na magandang performance ni Ahtisa.

Maganda rin umano ang kanyang pagdadala ng Maria Clara costume.