Dagupan City – Mga kabombo! Malapit-lapit na nga ang pasko!

Ber months na! Kaya ang mga Pinoy kaniya-kaniya na namang pakulo habang papalapit ang pasko.

Noong linggo ay nagsimula na ngang umawit at bumida ang mga kanta ni Jose Mari Chan, Taylor Swift, Ariana Grande, at Mariah Carey at Last Christmas ni Wham.

--Ads--

Kaugnay nito, hindi rin nagpatalo ang mga parol sa San Fernando Pampanga. Kung saan ay nagsimula na ang kuminang ang ilang kalsada sa Christmas Capital ng bansa.

Alam niyo ba mga kabombo na kilala ang Pilipinas bilang isa sa pinaka matagal nag ce-celebrate ng pasko sa buong bansa kaya Setyembre pa lang ay ramdam na ang diwa ng pasko.