DAGUPAN CITY– Umakyat pa sa mahigit 57,000 ang bilang ng mga binabantayang Person Under Monitoring sa lalawigan ng Pangasinan bunsod ng lumalalang kaso ng Covid 19.

Base sa monitoring report ng Pangasinan provincial government, nasa 57,410 ang mga PUM sa probinsiya .

Sa bilang na ito, 54,739 ang sumasailalim sa 14 Days Quarantine habang 2,639 na ang nakakumpleto nito at 32 pa ang kasalukuyang naka-quarantine .

--Ads--

Umaabot naman 33 ang kabuoang bilang ng Patient Under Investigation (PUI) kung saan 18 ang nasa ospital, isa ang nasawi habang labing apat ang nakalabas na ng pagamutan.

Nananatili namang isa ang Confirmed Case o Tested Positive sa lalawigan kung saan ang biktima ay isang doktor mula sa bayan ng Bayambang na binawan na rin ng buhay.