Maaaring makapag avail ng community base rehabilitation ang mga Persons Deprived of Liberty o PDL kapag pumasa sila sa mga requirements.
Ayon kay Wilfred Gonnay, officer in charge regional director ng Parole and Probation Administration Region 1, ang Parole and Probation Administration ay isang ahensya sa ilaim ng Department of Justice o DOJ na ang mandato ay para sa community base rehabilitation ng mga offenders na maaaring ma qualified sa probation gaya ng mga nabigyan ng sentensya sa korte dahil sa isang paglabag sa ating batas.
Paliwanag ni Gonnay na kapag naqualify ang isang PDL ay sila ay maaaring mabigyan ng tsansa na makalaya.
Ayon naman kay Corazon Dagdag, Chief ng Probation and Parole Officer sa San Fernando City, maraming intervention na binibigay ng parole and Probation administration sa mga clients nila.
Pero kadalasan ay nakikipag ugnayan ang mga field offices sa ibang tanggapan para maibigay ang pangangailangan ng kanilang clients tulad ng edukasyon o social services.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Jasmin Flores, OIC assistant regional director ng Parole and Probation Administration Region 1 ang pagkakaiba ng parole and probation.
Ang probation ay ibinibigay sa simula pa lang ng sentensiya, sa halip na makulong ang isang tao.
Layunin niyo na mabigyan ng pagkakataon ang isang tao na magbago habang nasa labas ng kulungan.
Samantalang ang parole ay maagang paglaya mula sa kulungan.
Ibinibigay ito kapag ang isang taong nakulong ay pinalaya nang mas maaga, matapos makapaglingkod ng bahagi ng kanyang sentensiya.
Samantala, kailangan ding sumunod sa mga patakaran at regular na mag-report sa parole officer at kung lumabag, ay maaaring ibalik sa kulungan.