DAGUPAN CITY – Ipinaliwanag ng Medical Health Officer IV ng Center for Health Development ng Department of Health Region 1 ang for paunang lunas na dapat gawin kapag naputukan ng paputok.

Ayon kay Dr.Rheuel Bobis, Medical Health Officer IV ng naturang departamento, huwag mag self-medicate dahil maaring mapalala lamang nito ang lagay ng pasyente.

Ipinaliwanag naman nito na maaring gumawa ng paunang lunas gaya na lamang ng kapag nakalunok ng paputok, aniya huwag pasukahin ang pasenyte, bagkos ay bigyan ito ng hilaw na itlog; sa mga bata, kinakailangan ng 6 hanggang 8 raw eggs, at 8 hanggang 12 raw eggs naman para sa mga matanda.

--Ads--

Rekomendasyon naman nito sa mga nasabugan, padaluyan agad at hugasan ng malinis na tubig ang bahagi ng nasabugan sa loob ng 15minuto nang sa gayon ay maalis ang mga kemikal na nakakaimpeksyon sa sugat.

Binigyang diin naman ni Bobis na kinakailangang dalhin ang mga pasyente sa pinakamalapit na ospital pagkatapos isagawa ang paunang lunas nang sa gayon ay mabigyan ang mga ito ng karampatang gamot at lunas.