Nag-umpisa na ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal ng bus at karaniwan dito ay mga pauwi sa kani-kanilang probinsya upang idaos ang pasko at bagong taon.
Ayon sa Terminal Master na si Melchor Lopez, dagsa na ang mga pasahero Dec. 20 pa lamang at aasahan ang pagdami nito mula sa Dec 27-30.
Aniya na mas maraming pasahero ngayon kumpara sa mga nakaraang taon.
Ang kanilang interval naman ng mga byahe ay kada 10 minuto, puno man o hindi ang bus ay babyahe na ito dahil hindi lang ang mga psahero sa terminal ang iniitindi, iniisip din ang mga pasahero na papara sa daan.
Ganun pa man, nakahanda na ang lahat kagaya na lamang ng pag-control sa man power, at ng kanilang mga bus.
Kung saan, dapat lamang na road worthy ang mga bus at dumaan sa bus quality inspection, dapat ay naka kondisyon lahat ng units bago lumabas o bumyahe.
Tinitiyak din nila na ang kanilang mga empleyado ay maayos na nakakapagtrabaho.
Mula bukas at sa Dec. 25, bibigyan sila ng pahinga para muling makabyahe sa Dec. 27 upang hindi sila bugbog sa pagod at nakakondisyon ang mga driver sa pagmamaneho nang maihatid ng maayos at ligtas ang kanilang mga pasahero.
Katuwang naman ang ilang hanay ng kapulisan, araw-araw na may nagroronda sa terminal.
Lahat ng mga bagahe ay kanilang sinusuri, habang ang mga unattended baggages naman ay inirereport at idinadaan sa awtoridad lalo na kung mukhang kahina-hinala.
Samantala, hindi naman sila nagkukulang sa pagpapaalala ng mga bawal dalhin sa byahe kagaya na lamang ng mga matutulis na bagay, baril, at mga ipinagbabawal na gamot o kemikal.
Para naman kay Reynaldo Alabaso na isang Bus Driver, maayos naman ang nagiging kanyang mnga byahe.
Kasalukuyan namang may sira ang dating bus na kanyang minamaneho kaya ume-extra na muna siya sa pagmamaneho ng ibang bus.
Aniya na hindi pare-parehas ang interval ng mga byahe, kada 15-20 mins ito.
Dagdag pa niya na dapt may disiplina sa sarili, halimbawa na lamagn kung kailangang matulog ay dapat na matulog upang hindi antukin sa byahe at maiwas sa disgrasya.
Samantala, nakikita naman niyang problema ay ang pagkakaroon ng aberya sa kalsada kagaya na lamang ng mga nadadaanan nilang mga aksidente, at mahaba at mabigat na trapiko kaya naman tumatagal ang byahe.
Nararapat din aniya na suriin ang bus bago bumyahe, siguraduhin na wala itong sira o naka-kondisyon.