Inanunsyo ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim ang detalye ang mga panibagong guidelines bilang pag-iwas at paghahanda sa potensyal na pagpasok ng Covid-19 Omicron variant.
Ayon sa Executive Order No. 1 Series of 2022 na pirmado ni Lim, naglabas ang ciudad ng panibagong curfew hours mula alas-9 na ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.
Magkakaroon din ng liquor ban. Ipinagbabawal ang pagsisilbi ng alak sa ibat ibang establisyemento, ngunit maari bumili ng alak at iinumin lang sa mga tahanan dahil ipinagbabawal pag inom na tanaw ng publiko.
Bawal ang mass gatherings at may bagong disinfenction schedule sa public market.
Isasara ang public market sa una at pangatlong Huwebes ng kada buwan para sa sa gagawing disifection.
inaasahan na lahat ng barangay officials ay mahigpit na sumunod sa mga bagong panuntunan at umaksyon sa panahon na ito.