DAGUPAN CITY- Nakaka-alarma para sa mga mangingisda ang mga pangyayari sa katubigan ng Pilipinas nitong mga nakaraan.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Roberto Ballon ang Chairperson ng Katipunan ng Kilusan ng mga Artisanong Mangingisda sa Pilipinas, nakakabahala aniya para sa mga mangingisda at nagbibigay ng malawak na alalahanin at kaisipan ang makakita ng barkong panggiyera sa mga karagatan ng bansa.

Aniya, nakikiisa rin ang grupo sa mga mambabatas at sa mga kababayan na pumapansin at komokondena sa mga isyu ngayon.

--Ads--

Dagdag niya, dalawa lang ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito, una ay marahil sa pagkukulang sa seguridad at ang ikalawa naman ay ang posibleng pagpapabaya.

Panawagan naman ng grupo sa pamahalaan na paigtingin ang pagbabantay at bigyan ng tamang suporta o malakas na suporta ang sandatahan sa katubigan.