Alay ng mga bagong abogado mula lalawigan ng Pangasinan sa kanilang tagumpay sa pagpasa sa 2022 BAR Examination ang suporta ng kanilang mga mahal sa buhay.

Para sa dating mamahayag dito sa lalawigan ng Pangasinan na si Atty. Charisse Victorio, naging inspirasyon niya sa bagong milestone ng kanyang karera ay ang kanyang namayapang ina bago ang kanyang pagtake ng b

Ayon kay Victorio, bagaman mahirap pa rin ang magdiwang dahil sa pagkawala ng kanyang ina, tiyak naman umano siya na masaya ito sa kanyang pagpasa lalo pa at siya ang tumatayong prayer warrior nito noong siya ay nabubuhay pa.

--Ads--

Naging mahirap din aniya ang kanyang pagrereview para sa naturang eksaminasyon dahil hindi ito gaanong maka-concentrate lalo na at ng panahon umano na iyon ay nagda-dialysis pa ang kanyang ina.

Sa kabila man nito, siya umano ang nanghikayat kay Victorio na ituloy at pagbutihin ang kanyang pag-take ng BAR exam.

Kaya naman nang mapasama ang kanyang pangalan sa mga listahan ng pumasa ngayon tao, buhos ang luha ng kanyang mga kaanak at isang “surreal” feeling para sa kanya ang pagpasa nito sa naturang eksaminasyon lalo at ito ang unang beses na nag-take ng BAR exam.

Samantala, para naman kay Atty. John Dee Navarro Cisnero, naluha ang kanyang mga magulang matapos malaman ang pagkakapasa nito sa BAR exam lalo na at ito ay pangarap ng kanyang ama na magkaroon ng isang anak na abogado.

Aniya, labis ang tuwa at pagiging proud nito lalo na at sa kabila ng mga pagsubok ay nasa kanyang tabi ang kanyang mga magulang.

Naging pagsubok man umano ang pandemya at ang usaping pinansyal sa kanyang daan sa pagiging abogado, hndi umano ito naging hadalang para sa kanyang pangarap lalo na at siya ang unang abogado sa kanilang pamilya.

Nais naman ni Cisnero na kunin ang opurtunidad na makapagtrabaho sa gobyerno lalo pa at mayroon nang offer para sa kanya.