DAGUPAN CITY–Maaring makauwi ang mga indibidiwal na na-stranded sa Maynila o karatig na mga probinsya na gustong umuwi sa Pangasinan kung magsusumite ang mga ito ng mga kinakailangang dokumento upang mapayagang makapasok sa nasasakupan ngayong nasa sa ilalim na ng General Community quarantine ang lalawigan.

Ito ay alinsunod sa DILG memorandum na may petsang May 14 2020 patungkol sa ibinabang guidelines para sa mga nastranded na mga residente na gusto nang makabalik sa kani-kanilang bayan.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joey Tamayo sa programang Duralex Sed Lex, kailangan umanong kumuha ng barangay certificate, city/municipal certication of self-quarantine o health certificate, at travel authority mula sa police station kung saan nanggaling ang taong gustong makauwi na sa lalawigan.

--Ads--

Pagkatapos naman nito ay magpapalabas ng city health office ng approval nito kung sakaling makompleto at maisailalim sa rapid test ang naturang mga indibidwal.

Ngunit nagbabala naman naman si Atty. Tamayo na kapag hindi kumpleto ang mga nabanggit na dokumento ay papabalikin lamang ng mga otoridad ang mga ito.

Kung mapapatunayang peke ang mga dadalhing dokumento ay maaring ikulong dahil sa pagsuway sa quarantine law.

Dagdag pa niya, na kung Overseas Filipino Worker (OFW ang uuwi sa probinsya, ay may karagdagang 7 araw na quarantine period ang mga ito upang maobserbahan silang mabuti, ayon na rin sa focal person ng lungsod ng Dagupan na si Dr. Ofelia Rivera.

Atty. Joey Tamayo