Mga kabombo! Isa sa mga katanungan ng mga anak ay kung saan kinuha ang kanilang pangalan.
Ngunit ang tanong, gaano nga ba kalalim o ano nga ba ang hugot mo sa pagpili ng ipapangalan sa iyung anak?
Kung sa iba ang trip ipangalan sa anak ay artista o kung anong panahon ito ipinanganak. Aba! Ibahin niyo titong tila tradisyon ng isang pamilya.
Kung saan, ipinapangalan ang mga ito sa buwan?
Gaya na lamang ng ipinangalan sa isang family member na kinilalang si November June Brown.
Batay sa ulat, nagdesisyon ang kanyang ina na ipagpatuloy ang family tradition na pangalanan ang bawat miyembro ng pamilya mula sa buwan ng kalendaryo.
Paano ba naman kasi ang pangalan ng lola ni November ay June, April naman ang kanyang ina. Habang ang kanyang kapatid na babae ay Hayley December.
Pero ang twist, kahit isinunod sa buwan ng kalendaryo ang kanilang mga pangalan—ang kanilang birthdays naman ay hindi pumapatak sa corresponding months.
Dahil ang kanyang inang si April ay January ipinanganak. Ang kanyang lolang si June ay April ang birthday. Habang nang isilang ang kapatid niyang si Hayley December ay buwan naman ng November.
Base naman sa kanilang salaysay. marami ang hindi naniniwala na iyon nga talaga ang kanilang pangalan. Sa kabila nito, nagdesisyon silang ipagpatuloy ang kanilang tradisyon.