BOMBO DAGUPAN – Hindi muna manghuhuli ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga pampasaherong jeep na hindi nag-consolidate sa itinakdang deadline ng ahensya.
Ayon kay Liberty de Luna, National President ng Alliance of Concerned Transport Organizations (,), padadalhan ng LTFRB ng notice o show cause order ang mga operator ng jeep upang mapakinggan ang kanilang panig kung hindi sila nag consolidate at mapakinggan ang kanilang hinaing.
Saad ni de Luna, wala ng extension dahil ilang beses na ang extension ngunit nirerespeto anila ang kanilang disisyon.
Nabatid na may mga kasamahan sila sa organisasyon na nagsisisi dahil hindi nakapagconsolidate.
Nalulungkot siya dahil maraming mawawalan ng prangkisa at mawawalan ng trabaho.
Sa ngayon ay nakakabiyahe pa rin ang mga pampasaherong jeep na hindi nakapagconsolidate habang hinihintay ang show cause order.
Inaasahan na ipapatupad ito sa mga susunod na linggo at wala silang magagawa kundi tumupad sa batas.