Higit 15,000 katao ang nagtipon sa kakalsadahan ng Israel upang ipanawagan ang pagwakas ng giyera sa Gaza at hinikayat si Prime Minister Benjamin Netanyahu na sang-ayunan ang kasunduan sa pagpapalaya sa natitirang mga bihag.
Nagsama-sama sa Paris Square sa Jerusalem at sa Tel Aviv ang mga pamilya at taga-suporta ng mga bihag na hawak ng Hamas.
Sa 48 hostages na nanaantiling hawak ng Hamas sa Gaza ay nasa 20 katao lamang ang pinaniniwalaang nananatiling buhay.
--Ads--
Hindi pa pormal na tumutugon ang Israel sa nasabing kasunduan subalit, kamakailan lamang nang mag-‘demand’ sa anumang kasunduan ang pagpapalaya sa lahat ng mga bihag.