DAGUPAN CITY- Umabot sa 8 munisipalidad at isang syudad sa lalawigan ng Pangasinan ang nakapagtala ng pagbaha dulot ng pinaranas na pag-ulan ng Bagyong Paolo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vincent Chiu, Operations Supervisor, PDRRMO Pangasinan, sa kasalukuyan ay humupa na rin ang mga pagbaha sa mga barangay at ang ilang mga evacuees ay nakauwi na rin sa kanilang kabahayan.

Aniya, umabot sa 13 pamilya ang kanilang naitalang lumikas, partikular na sa Eastern Pangasinan.

--Ads--

Pinaghahandaan na rin ang relief operations sa listahan ng mga lugar na nangangailangan nito.

Samantala, inaalam pa nila ang mga nasirang inprastraktura at agrikultura dulot ng pagbaha.

Habang wala naman pinsala ang naitala dulot ng landslide at tanging sa Villa Verde Road sa bayan ng Malico lamang.

Nagpapatuloy ang clearing operations sa nasabing daan at pinaiiwasan muna ang publiko na daanan ito para sa kaligtasan.

Dagdag pa ni Chiu, karamihan naman sa mga pangunahing daan ay ‘passable’ na, maliban na lamang sa mga barangay na may pagbaha pa.