DAGUPAN CITY- Nabibigyan man ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan, school heads at Schools division superintendent (SDS) na magkansela ng klase sa tuwing may bagyo o weather disturbances, dapat handa pa rin ang mga paaralan na maipagpatuloy ng pag-aaral ng mga estudyante.

Ayon kay Dr. Rowena Banzon, ang siyang Ceso V ng schools division superintendent ng SDO Dagupan City, ang DEPED order no. 12 series of 2025 ay pinapayagan na ang mga LGU na mismo ang magkansela ng klase o di kaya kapag may mga pagkakataon na specific lamang sa isang paaralan ay maari na rin magkansela ang school principal gaya na lamang kapag nakakaranas ng pagbaha dahil sa high tide o kapag mataas ang heat index sa tuwing summer season.

Bagama’t nagkakaroon ng suspension of classes ay nakahanda ang kanilang mga eskwelahan para sa pagprovide ng mga learning activities sa kanilang mga estudyante na maaring gawin sa kanilang mga kabahayan upang tuloy tuloy pa rin sa pag-aaral at hindi magiging hadlang ang pagdeklara ng no classes.

--Ads--

Dagdag pa nito na kahit signal no. 1 ay maari na ring kanselahin ang klase sa anumang antas.

Kaya naman panawagan nito para sa mga mag-aaral na huwag nang lumabas ng kanilang mga bahay kapag walang pasok upang maiwasan ang mga insidente at mga sakit na posibleng makuha kapag tag-ulan.

Gayundin ang panawagan para sa mga magulang na bantayan maigi ang kanilang mga anak.