DAGUPAN CITY–Ramdam na ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bawas suweldo sa lahat ng manggagawa sa Saudi Arabia.

Sa ulat ni Bombo International Lawrence Valmonte, mula sa Riyadh, Saudi Arabia, noong Marso inanunsyo ng Gobierno doon ang kautusan na bawasan ng 40 pursyento ang sahod ng lahat ng mga manggagawa sa bansa bilang tugon sa COVID-19 pandemic subalit tataasan ng 15 pursyento na buwis sa lahat ng mga bilihin.

Aniya, umaaray na ngayon ang mga natirang OFWs doon na suwerteng di agad nawalan ng trabaho at napauwi dahil sa naturang kautusan.

--Ads--

Dagdag pa ni Valmonte ang 40 pursyentong bawas sahod ay maaari ding ibawas sa oras ng pagtatrabaho ng empleyado at mandatory kayat wala silang magawa.

Nabatid na may panibagong 987 confirm case na naitala doon dahilan upang pumalo na sa 313, 911 ang kabouang kaso ngayon sa naturang bansa.