BOMBO DAGUPAN- Itinalaga na sa ibang lugar ang mga officers sa isang police station sa Kenya matapos natagpuan ang putol na mga parte ng katawan.

Ayon kay Douglas Kanja Kirocho, natapuan ang labi ng 8 kababaihan sa Nairobi kung saan malapit ang nasabing estasyon.

Aniya, nilipat ang mga officers ng Kware Police station upang matiyak ang patas at walang kinikilingan imbestigasyon sa brutal na pagpaslang.

--Ads--

Iniimbesitgahan na ito ng Police watchdog ng bansa upang matukoy kung may kinalaman ba ang nga kapulisas sa karumaldumal na pagpaslang.

Simula pa noong biyernes nang magsimulang mag-imbestiga ang mga detective sa Mukuru nang matagpuan ang palutang-lutang na sako kung saan nakita ang labi ng 6 na mga babae.

Pinapaniwalaan naman ng mga karamihan na may naabusong karapatan pantao ang mga kapulisan sa nakaraang kilos portesta laban sa gobyerno.