Bilang bahagi sa paggunita ng Zero Waste Month Celebration ngayong buwan ng Enero, nagsagawa ng isang motorcade ang Lokal na pamalahaan katuwang ng iba’t ibang opisina at ahensya sa lungsod ng Alaminos.

Ang Zero Waste Month Celebration ay isang taunang pagdiriwang sa Pilipinas, na ginaganap tuwing Enero, ayon sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Layunin nito na paigtingin ang kamalayan sa tamang pamamahala ng basura at pangangalaga sa kapaligiran.

--Ads--

Pinangunahan ang aktibidad ng City Environment and Natural Resources Office kasama ang mga kapulisan, ahensya ng Bureau of Fire Protection Alaminos, national bureau of Investigation (NBI) Alaminos District Office, mga paaralan at iba pa na nagparada sa central business district ng syudad.

Bukod dito ay inilatag din ang iba’t ibang mga aktibidad at programa bilang parte sa selabrasyon.

Ang Zero Waste Month Celebration ay isang mahalagang hakbang sa pagpapanatili ng malinis at maayos na kapaligiran.