Dahil sa epekto ng El Niño ay napilitan nang mag harvest o mag-ani ng mga sibuyas ang ilang magsasaka sa bayan ng Bayambang Pangasinan.

Ayon sa Municipal Agriculture Office, halos limampung ektarya ng taniman sa Bayambang ang apektado ng tag tuyot.

Saku sakong sibuyas ang inani mula sa ektaryang taniman sa barangay Wawa para maiwasan ang matinding pagkalugi ng mga magsasaka.

--Ads--

Samantala, nababahala rin ang mga magsasaka sa posibleng pag-atake ng harabas o army worm na karaniwang namemeste sa mga sibuyas sa tuwing panahon ng tag init.

Kasalukuyan pang inaalam ng Agriculture Office ang kabuuang pinsala ng tagtuyot sa kanilang bayan.