BOMBO DAGUPAN – Umaapela sa pamahalaan ang mga onion farmers na hindi pa kailangan na mag import ng sibuyas.

Ayon kay Mark Paul Rubio, Onion farmer sa Bongabon, Nueva Ecija, sa kasalukuyan ay mababa ang presyo ng sibuyas.

At sa dami umano ng suplay ng red onions ay inaasahang aabutin ang supply nito sa buwan ng Pebrero hanggang Marso sa susunod na taon.

--Ads--

Ito ay taliwas sa pahayag ng Department of Agriculture na nakikitaan ng kakulangan ng suplay para sa natitirang araw at buwan ngayong taon kaya mag aangkat ang bansa ng sibuyas.

Sa panayam sa kanya ng bombo radyo Dagupan, biigyang diin nito na dapat na sinusuri muna ang mga storage kung marami pang laman bago magbigay ng import clearance para sa imported na sibuyas.

Kung sumubra umano ang importasyon ay sila rin na nagtatanim ng sibuyas ang naapektuhan.

Nanawagan siya sa gobyerno na bantayan ang mga smuggled na sibuyas na binebenta online.

Una rito, inaprubahan na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang memorandum ng pagpapalabas ng sanitary and phytosanitary import clearance (SPSIC) para sa importasyon ng sariwang dilaw na sibuyas.

Ayon sa kagawaran, mag-aangkat ang Pilipinas ng 16,000 metric tons (MT) ng sariwang dilaw na sibuyas upang masiguro ang sapat na suplay ng agricultural commodity sa panahon ng holiday season.