Umapela ang mga overseas Filipinio Workers sa Saudi Arabia sa pamahalaang Pilipinas partikular sa tanggapan ng DOLE na bilisan ang pagpapalabas ng pangakong 200 U.S. Dollar na tulong sa kanila sa gitna ng kinakaharap na krisis sa nasabing bansa dulot ng COVID -19.
Sa ekslusibong panayam kay Bombo correspondent Lawrence Valmonte mula sa Riyad, Saudi Arabia, apektado ang mga kababayan nating mga Pilipino kapag nagtagal ang ipinatutupad na lockdown dahil marami na sa kanila doon ay walang trabaho at wala na rin silang perang gagastusin para maipambili ng pagkain at ibang pangangailangan.
Umaasa na na lamang aniya sila sa ibibigay na tulong pinansyal mula sa ating pamahalaan.
Bukod sa total lockdown ay nagpatupad din ang pamahalaan ng Saudi Arabia ng 24-hours curfew araw araw.
Sa kasalukuyan, nagtala ng 2,292 kabuoang tinamaan ng corona virus disease kung saan 41 na ang namatay.