Nananatiling ligtas ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Bahamas sa gitna ng Coronavirus Infectious DIsease-2019 (COVID-19) pandemic.

Ito ang masayang ibinalita ni Bombo International Correspondent Florita Viterbo, Presidente ng Filipino Association sa Bahamas, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan.

Sa ngayon aniya ay nananatiling nasa 65 ang confirmed case sa naturang bansa kung saan 12 na nakarecover habang may siyam ng nasawi.

--Ads--

Aniya walang Pinoy na napa-ulat na nadapuan ng sakit subalit ang ilan sa mga ito ay hindi naman nakaligtas sa iba pang epekto ng pandemic katulad ng pagkawala ng trabaho dahil sa pagsasara ng ilang mge negosyo.

Ang Bahamas ay isang hiwalay na bansa kung saan tourismo ang pangunahing pangkubahayan.

Sa kasalukuyan nasa humigit kumulang 1,500 ang Pinoy sa Bahamas kung ibabase aniya sa mga nakakuha ng permit upang mamalagi doon.