Umani ng pagtuligsa ang mga Overseas Filipino Workers sa Europa na natutuwa sa pagkaaresto ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Garry Martinez, spokesperson ng Migrante- Europe sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, hindi nakaligtas sa mga paninira sa social media ang mga pagkilos na binansagan na bayolente at bayaran daw ang mga dumalo sa rally.

Ibinahagi rin niya na sa ibang bansa ay nagsasagawa rin ng mga aktibidad ang mga OFW.

--Ads--

Nangangahulugan lang na hindi Pilipinas lang ang nakatutok sa usapin kay Duterte kundi buong mundo na.

Ang mga mamamayan aniya doon ay napakasensitibo pagdating sa human rights.

Dagdag pa niya malayang magpahayag ng saloobin ang mga OFW sa Europa. Hiling din niya na huwag sanang haluan ang emosyon, disinformation, at fake news dahil hindi ito makakatulong.

Samantala, sa usaping abogado na magtatanggol sa dating pangulo, sinabi ni Martinez na hindi biro ang mga abogado na haharap sa ICC, bagamat hindi naman niya minamaliit ang kakayahan ng mga abogado na magtatanggol sa dating pangulo.