Posibleng magdulot ng malaking epekto sa mga manggagawang Pilipino ang idadaos na General Election sa bansang Israel ngayong buwan ng Abril.

Ito ang naging pahayag sa Bombo Radyo Dagupan ni Haris King Castillo tubong Binmaley, Pangasinan ngunit kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na bansa.

Ayon kay Castillo, nanatiling hati ang opinyon ng mga Israeli pagdating sa halalan o eleksyon sa kanilang bansa. May ilan kasi aniyang nais pang manatili sa pwesto ang kasalukuyan nilang prime minister na si Benjamin Netanyahu habang ang ilan ay gusto ng palitan ito.

--Ads--

Ayon pa kay Castillo, anuman ang kahihinatnan o resulta ng eleksyon sa Israel ay magdudulot ng malaking epekto sa mga Pilipino.

Gayunpaman, umaasa pa rin ito na maisasakatuparan na ang nilagdaang labor agreement ng Israel at Pilipinas kung saan Nasa mahigit isang libong pinoy ang maaaring makapagtrabaho dito.

Matatandaan na sa naganap na kasunduan Desyembre noong nakaraang taon, ang mga Filipino ay maaaring mabigyan ng trabaho bilang staff o cleaners sa mga hotel sa Israel.Bukod pa dito, napagkasunduan din ang pagbabawas o mpgtatanggal ng placement fee sa mga Pinoy caregiver.

Una namang nagpasalamat ang Pangulong Duterte sa gobyerno ng naturang bansa dahil sa maayos na trato sa mga overseas Filipino worker. with report from Bombo Lyme Perez