Isinailalim na sa swab test ang mga newly-hired contact tracers ng lungsod ng Dagupan bago sumabak sa kanilang trabaho.

Ayon kay Francis Azurin, team leader ng contact tracers ng lungsod, naging mabilis ang pagsasailalim sa swab test ang nasa mahigit 100 na mga contact tracers na unang hakbang aniya para masiguro na handa na sila sa kanilang tungkulin at upang matiyak na sila ay ligtas mula sa COVID-19.

Pinangunahan ang swab tests ng mga nurses ng Department of Health (DOH) gamit ang RT-PCR test, ang “gold standard” sa pagsusuri para sa COVID-19.

--Ads--

Ang mga nakolektang specimens ay ipapadala sa DOH.

Matapos ang swab test may apat na araw silang quarantine kayat sa Lunes na muli sila makakapagreport.

Sa ngayon aniya ay mayroon na silang draft ng deployment subalit hindi pa ito pinal at posible pa itong mabago.

Saad pa ni Azurin, trabaho nilang tukuyin ang mga nakasalamuha at napuntahan ng mga COVID-19 positive patient.

Francis Azurin, team leader ng contact tracers

Sila naman aniya ay aarmasan ng mga face shield mask at titiyakin na masusunod parin ang mga minimum health protocols upang matiyak na sila ay ligtas habang ginagawa ang kanilang mga trabaho.

Nabatid na pangunahing requirement upang maging contact tracers ayon kay Azurin ang nakatapos ng medical o anumang 4 year course.