Lumobo na sa hindi bababa sa 110 ang nairereport na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa bansa.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) spokesperson Edgar Posadas, patuloy pa rin vinavalidate ang bilang at inaalam kung may kinalaman ang bagyo sa mga pagkamatay.
Batay sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, 9 na nasawi at isang nawawala pa lamang nag navavalidate.
Ang lahat ng 9 na nasawi ay mula sa Bicol Region, habang mula naman sa Central Luzon ang napaulat na nawawala.
Naiulat din ng naturang ahensya, 5,784,298 ang mga indibidwal o 1,415,438 na mga pamilya ang apektado sa buong bansa.
Nagpapatuloy naman ang rescue at relief operations ng OCD partikular na sa mga labis nasalanta tulad ng Bicol Region.
Pahirapan pa din umano ang pagpapadala ng tulong sa kalupaan dahil sa mabigat na trapiko o di kaya’y mayroon pa ding baha.
Gumagamit na ang gobyerno ng transportasyon panhimpapawid upang makapagpadala ng tulong.