Hindi bababa sa 274 na katao habang higit naman sa 1,000 ang sugatan matapos maglunsad ng pag-atake ang Israel sa Lebanon. Ito umano ang pinakanakamamatay na pangyayari sa sagupaan ng Israel at Hezbollah simula noong 2006.

Pinapalawak umano ng Israel ang kanilang pag-atake laban sa Hezbollah habang nakatanggap ang mga residente ng southern Lebanon ng isang phone message. Ito ay naglalaman ng pagbabalala na lisanin ang mga lugar na kinaroroonan ng mga Iran-backed group.

Nanindigan naman ang defence minister ng Israel na magpapatuloy ang kanilang pag-atake hanggang sa makamtan nila ang kanilang layunin na mapabalik nang ligtas ang kanilang mga residente sa norte sa kani-kanilang tahanan.

--Ads--

Saad naman ng Lebanese Prime Minister Najib Mikati na ang ipinapakita ng Israel ay maituturing na “war of extermination.”