BOMBO DAGUPAN – Umabot na sa 1,301 katao ang nasawi dahil sa labis na init ng panahon sa pagdalo nila sa Saudi Arabia.

Ayon sa Saudi government na maaring madagdagan pa ang bilang na 1,301 dahil may ilang mga biktima ang nasa pagamutan pa.

Mahigit sa 83 porsyento sa mga nasawi ay walang official permits na sumama sa paglalakad sa gitna ng mainit na sikat ng araw.

--Ads--

Ilan sa mga nasawi ay may edad na at mayroong dinaramdam na sakit.

Bawat pilgrims kasi ay mararapat na makakuha ng lisensya para legal na makapunta sa Mecca kung saan tanging 1.8 milyon lamang ang bilang na kanilang pinayagan.

Nagkakahalaga ito ng ilang libong dolyar kung saan ang mga iligal na nagtungo ay hindi sumakay sa mga tour bus na may airconditioning at may tubig at pagkain.