BOMBO DAGUPAN – Karamihan sa mga naipaulat na nasawi sa Hajj pilgrims bunsod ng matinding init ng panahon ay mga undocumented o unathorized na pumasok sa mecca.
Ayon kay Nilo Magalan , Bombo International News Correspondent sa Saudi Arabia sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan na kailangan munang may permit bago makadalo sa nasabing selebrasyon.
Aniya na umabot sa halos 1.8 million katao ang dumalo kaya hindi inaasahan na ganito ang mangyayari.
Maraming mga factors na kinonsidera sa insidente gaya na lamang ng matinding init ng panahon, overcrowded, walang proper sanitization, accomodation at maging facilities.
Sinabi niya na isa rin sa mga naging factor ang suffocation dahil sa dami ng mga taong dumalo, kung saan ang mga may edad na, na may karamdaman ay hindi kinaya ang matinding init ng panahon kaya’t bumigay ang kanilang katawan.
Samantala, ang mga labi naman ng ibang nasyunalidad na nasawi aniya ay kailangan muna ng certification of death bago irelease subalit dahil customary sa muslim na mailibing ang bangkay sa loob ng 24 oras ay may nakalaan naman aniya na sementeryo para sa mga ito.
Nagpaalala naman siya na ugaliing magdala ng payong kapag lalabas ng bahay dahil mainit ang panahon kabilang na rin ang pagdadala ng inuming tubig.