BOMBO DAGUPAN- Kinumpirma ng Israeli Military na matagumpay nilang napaslang si Hamas commander Rafa Salama sa kanilang paglunsad ng air strike noong sabado.

Subalit, umabot na sa 141 Palestinians ang nasawi dahil sa paglunsad ng Israel ng air strike simula noong sabado.

Ayon sa Hamas-run health ministry, nasa 400 na ang bilang ng mga sugatan.

--Ads--

Naitala naman ng Hamas-run civil defense agency ng Gaza na nasa 17 katao ang nasawi sa pangalawang pag-atake ng Israel noong sabado.

Isa sa mga air strike ay tumama naman sa designated humanitarian zone sa al-Mawasi, malapit sa Khan Younis. Ayon sa mga opisyal, umabot naman sa hindi bababa sa 90 sibilyan ang nasawi habang hindi bababa sa 280 ang sugatan.

Sinabi naman ni Isreli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na kanilang target si senior Hamas leader Mohammed Deif nag sila ay umatake.

Tinawag naman ng opisyal ng Hamas na isang “grave escalation” ang pag-atake ng Israel at pagpapakita ito ng Israel na wala itong interes sa ceasefire agreement.