Magsisimula nang mabakunahan ang nasa low risk category sa bansang India mula Mayo 1.

Sa ulat ni Bombo Radyo Dagupan – International News Correspondent Shalini Adams mula sa Delhi, India, bagaman kabilang na sa maaaring magpabakuna ang mga gaya nitong low risk ay marami pa rin umanong nagdadalawang isip ang magpunta sa ibat-ibang ospital doon dahil pa rin sa kasalukuyang sitwasyon sa naturang bansa.

Nakadaragdag suliranin sa kanilang pamahalaan na bagaman nariyan umano ang mga bakuna ay hindi pro-active ang mga residente roon na magpaturok ng COVID-19 vaccine dahilan kung bakit patuloy ang pagdami ng nahahawa sa nasambit na sakit.

--Ads--

Samantala, may ilang malalaking siyudad umano sa India ang unti-unting bumababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, unti-unti na rin umanong nama-manage ng kanilang pamahalaan ang sitwasyon doon.

Bombo Radyo Dagupan – International News Correspondent Shalini Adams

Kanilang natutunghayan din ang tulong na ibinibigay ng ibang bansa sa kanilang lugar gaya na lamang umano ng Estados Unidos na siyang tumugon sa kakulangan ng mga ospital sa oxygen tank supplies.

Bukod diyan ay naglaan na rin aniya ang Indian government ng ilang lugar o lote na siyang mayroong mga kama na pansamantalang maaaring gamitin para sa mga nagpopositibo sa COVID-19.

Sa ngayon, ang total fatalities ng India ay sumampa na sa 201,187.

Ang India ang itinuturing na world’s second most populous country na umaabot sa halos 1.4 bilyon ang mga tao.