DAGUPAN CITY- Dapat na panagutin at parusahan ang mga nasa likod ng mga maanomalyang gawain sa Department of Education (DepEd), lalo na at hindi biro ang budget na inilalaan ng pamahalaan sa nasabing sektor.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Valademir Quetua, Chairperson ng Alliance of the Concerned Teachers Philippines, tinaguriang pambansang multo ang Kagawaran ng Edukasyon kug saan nauna nang naging isyu ang mga ghost employees at payees, ngayon aniya ay nagsasisilabasan ang mga ghost student issues.

Aniya, nakalulungkot ang pangyayaring ito dahil hindi naman umano barya-barya ang nawawaldas o nagagamit na pondo sa hindi magandang pamamaraan.

--Ads--

Tila naging systemic na rin at nagkakaroon ng overlap sa mga ito.

Dagdag niya, nakapagtataka kung paano nila ito nagagawa dahil sa likod ng mga kawalan at kakulangan sa nasabing sektor ay kung ano-ano pang mga isyu ang patuloy na lumalabas.

Dapat rin umanong maging mapanuri ang mga Pilipino sa kanilang mga ihahalal na opisyal sa darating na halalan nang sa gayon ay mapabuti ang ating bansa, ganoon na rin ang Education system dito sa Pilipinas.