Walang namomonitor na mga narco politicians o mga pulitikong sangkot sa illegal drug activity dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PDEA Pangasinan provincial officer agent Richie Camacho, kung mayroon man ay malalaman at malaman nila kung may mga pulitikong sangkot sa droga.
Binigyang diin nito na mahigpit ang kanilang kampanya laban sa ilegal drug operation kaya mahihirapan na makagalaw ang sindikato ng droga.
Patuloy aniya ang kanilang pag iikot sa mga barangay na bahagi ng pinaigting na operasyon laban sa droga.
Samantala, kumpara noong wala pang pandemya, mas malala noon ang bentahan umano ng illegal na droga dahil mas malayang nakakagalagaw ang mga big time drug personalities.
Pero sa kasalukuyan , dahil sa higpit ng seguridad ay mahihirapan umano ang mga drug personality na makakuha ng supply sa ibang lugar partikular sa National Capital Region