Kinumpirma ng mga awtoridad na umakyat na sa dalawamput limang katao ang nasasawi sa malawakang pagbaha sa Kentucky at pinangangambahan na madagdagan pa ito sa mga susunod na araw.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Isidro Madamba Jr., na sa ngayon ay puspusan na ang isinasagawang pagresponde sa mga residenteng apektado ng malalang pagbaha.
Aniya pahirapan ang pagrescue dahil na rin sa naitatalang malalakas na pag-ulan at agos ng tubig kung kaya’t mga black hawk helicopters na ang ginagamit at ang mga pagsisikap sa pagsagip ay nahadlangan din dahil sa pagkawala ng kuryente.
Wala rin umanong eksaktong numero kung gaano karaming mga tao ang nananatiling nawawala.
Inaasahan ng mga opisyal ng estado na patuloy na tataas ang bilang ng mga namamatay, na posibleng maidatos sa loob ng ilang linggo
Una rito ay naiulat ang mga pagkamatay sa mga county ng Knott, Perry, Letcher at Clay.