DAGUPAN CITY– Hindi basta basta pinahihintulutan na pumasok sa bawat compound ang mga naninirahan sa Beijing China bilang hakbang upang maiwasan na lalo pang tumaas ang kaso ng Coronavirus sa nabanggit na bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rene Lumague, Pinoy na matagal nang naninirahan sa Bejing China, simula noong January 23 ay hindi na sila basta basta lumalabas ng kanilang tahanan upang matiyak na hindi sila mahawa ng sakit.

Kapag lalabas umano sila ay sinusuri ang kanilang body temperature at mahigpit ang ipinapatupad na pagbabantay sa kanilang mga road boarder.

--Ads--

Naapektuhan na aniya ang kanilang trabaho dahil dito.

Umaasa umano sila na sa susunod na mga Linggo ay bubuti na ang sitwasyon doon lalot nangangamba sila sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nasawi dahil sa sakit.