Dagupan City – Umabot sa halagang P17,930,000 ang mga nakumpiskang illegal na droga noong taong 2023 sa region 1.
Ayon kay PLtCol. Benigno Sumawang, Chief Public Information Officer ng Police Regional Office 1, ang naturang datos ay kabuo-an ng pinagsamang bilang ng halaga ng shabu na umabot sa halagang P17,683,000, habang sa marijuana naman na umabot sa P242,409.
Aniya, ito ay bunga ng mga isinulong na aktibidad ng kanilang hanay partikular na ang tuloy-tuloy na roving operations sa bawat municipalidad, gano’n na rin ang pakikipagtulungan ng bawa’t mamamayan sa kanilang mga panuntunan.
Binigyang diin naman ni Sumawang na bagama’t kung titignan ay malaki ang bilang ng mga nakumpiska, ay bumaba naman ito kung ikukumpara sa datos noong nagdaang taon.
Kaugnay nito, kung may nakikita naman aniyang mga closely monitored, ay agad ding binibisita ng mga awtoridad nang sa gayon ay maagapan o mabigyan ng karampatang pangangailangan.
Samantala, sinabi rin ni Sumawang na ang mga sumailalim at nakakompleto sa rehabilitation na kinakailangan, ay sinisiguro nilang handa nang muli na makisalamuha sa komunidad, dahil maituturing na sila na new reform individual.