Dagupan City – Umabot na sa tinatayang 80% hanggang 90% ang mga nakapag-sumite na ng people’s initiative sa probinsya.
Ayon kay Atty Marino Salas, Pangasinan Provincial Election Officer, ang pag-susumite nito ay kinakailangang hindi sapilitan, dahil pagkatapos mag-sumite ay nakatakda rin itong i-verify ng mga kinauukulan nang sa gayon ay mabigyang linaw kung naintindihan ba o alam ng isang indibidwal ang kaniyang pinirmahan.
Samantala, payo naman nito sa publiko, huwag pumirma sa isang bagay na hindi naintindihan at hindi alam kung ano ang nilalalaman, at kung nakapirma na at nagbago pa ang isipi, maari parin aniya itong bawiin basta’t magtungo lamang sa mga kinauukulang tanggapan.
Nagbabala naman ito sa mgaawtoridad na nangangako ng ayuda sa publiko, na kung may maitalang gano’n insidente, agad nilang iimbistigahan ito dahil sa kasalukuyan ay walang inilalabas ang pamahalaan patungkol sa pagbibigay ng ayuda kung kaya’t walang katotohanan ang mga ito.