Pinangangambahan ngayon ng lalawigan ng Pangasinan ang mga naitalang nagpositibo sa ibang variants ng COVID-19.

Sa bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Anna Marie de Guzman, Chief ng Provincial Health Office (PHO) Pangasinan, bagaman hindi aniya mabagsik o virulent ang B.1.1.7. variant o ang galing sa United Kingdom na strain, ay mabilis itong naihahawa.

Aniya, kinakatakutang mahawa ang mga residenteng nasa ilalim ng vulnerable groups, o iyong mga may-edad, mga may comorbidity gaya ng sakit na tubercolosis, diabetes, hypertension at iba pa, pati na rin ang mga batang edad 15-anyos pababa.

--Ads--
Voice of Dr. Anna Marie de Guzman

Bagaman ganoon, wala pa ring pagpipigil sa mga kababayan nating nais umuwi sa probinsiya.

Ngunit nariyan pa rin aniya ang symptoms check sa borders ng lalawigan, lalo na ang pagsusuri sa loob ng mga sasakyan na mayroong kasamang nasa vulnerable sector, na siyang pinagbabawalang lumabas ng bahay.

Kung pinayagan namang makadaan mula sa border checkpoints ay kailangang magpatala ng mga ito sa kani-kanilang barangay upang sila ay agarang masuri.

Samantala, simula Miyerkules Santo ay itatalaga na ang liquor ban sa lalawigan.
Kasama pa rin ng pag-iimplementa ng curfew hours mula 9:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, bilang protocols pa rin sa pag-iwas na pagtaas ng COVID-19 cases lalo nag’t mayroon ng ibang variants sa probinsiya.