Lahat naman siguro sa atin ay gustong yumaman hindi ba? Subalit ano ang gagawin mo kapag aksidente kang makabungkal ng tatlong figurine at maliliit na butil ng mga bato na kumikinang. Road to becoming a millionaire na nga ba ito o di kaya ay matatawag na isang “jackpot”?

Ito ay matapos makahukay ang isang construction worker na tubong-Surigao ng tatlong figurine at maliliit na butil ng mga bato na kumikinang.

Siya ay kinilalang si Darryl. Si Darryl ay nakipagsapalaran na magtrabaho sa ibang lugar hanggang makapasok sa isang kompanya kung saan nadestino siya sa Batangas.

--Ads--

At ang nabungkal niya na ito kapag nagkataon ay magiging malaking tulong para sakanya na makapagtayo ng negosyo at makapagpagawa raw ng bahay kung lalabas na ginto ang mga napulot niya at may katumbas na malaking halaga.

Ayon kay Darryl, nakabalot sa wax ang tatlong maliliit na pigura na dalawang Buddah at isang ahas nang kaniyang mahukay. Nasa tabi ng mga ito ang maliliit na butil na tila mga bato na kumikinang.

Napag-alaman na gawa sa metal ang tatlong figurine na nasa 3 inches ang taas, at tumitimbang ng mula 20 hanggang 70 grams.

Dagdaga pa niya na may mga usap-usapan din sa lugar na may mga taong naghahanap umano ng kayamanan sa lugar kung saan niya nahukay ang mga figurine.

Katunayan, may mga lalaki raw na nagtanong tungkol sa nahukay niyang mga figurine pero itinanggi niya ito dahil sa takot.

Kaya’t para malaman ang katotohanan kung kayamanan nga ba ang kaniyang nahukay, ipinasuri ang mga ito sa mga eksperto.

Subalit napag-alaman na hindi pala ito totoong ginto kaya saad ni Daryll na itatago na lamang niya ito bilang remembrance.