BOMBO DAGUPAN – Nakarating sa City agriculture at kay City Mayor belen t. Fernandez na may nahuling nagtitinda ng mga tangok o patay na isdang bangus sa magsaysay fish port dito sa syudad ng dagupan.
Kung saan ang mga tangok na bangus ay nakuha mula sa stalls sa likod ng consigancion na dating mga ambulant vendors
Ayon sa mga vendors na nagbebenta ng mga patay na isda ay nakuha nila ito mula sa bayan ng Sual at anila ay isang vendor lamang umano ang bumili dito, saka niya ibinagsak din sa iba pang mga kasama niyang nagtitinda.
Nakakuha naman ito ng 5-7 kahon ng mga patay na isda.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Danila Cayabyab ang Presidente ng Consignacion – Magsaysay, sa mga ganitong pagkakataon ay hindi nila ito maaaring hayaan dahil hindi lang ito makakaapekto sa mga fish vendors na naka pwesto sa stalls kundi may masamang epekto din ito sa buong palengke.
Dahil sa oras na malaman ng mga tao na may nakalusot na tangok na isda kahit na galing pa ito sa isang fish vendor lamang ang mga magiging pananaw ng mga mamimili ay lahat may tinda sa palengke ay patay na isda na rin.
Paglilinaw naman ni Cayabyab, upang maka benta, may mga requirements na auxillary invoice kung ito mula sa loob ng region 1 na nagpapatunay na healthy for consumption ang mga binabagsak na isda na siya namang ipinapakita sa mga inspector.
Panawagan naman ni Cayabyab na sana ay maging responsable ang mga vendors at huwag gagawa ng ikapapahamak ng mga mamimili.