Dagupan City – Maaaring humarap sa paglilitis ang mga nagtatago sa puganteng Pastor ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy.
Ito ang binigyang diin ni Atty. Francis Dominick Abril, Legal/ Political consultant hinggil sa nangyayaring kilos-protesta ng mga KOJC members sa Davao City.
Ayon kay Abril, naiipit ang mga pulisya dahil hidni sila makagalaw sa sariling compound ng samahan.
Kung titignan din kasi aniya, tama lamang ang ginawa ng hanay ng kapulisan na nagpakalat ng libu-lubong pulis sa lugar dahil hindi dapat ituring na basta-basta ang kakayahan ng mga miyembro.
Sa kabila naman nito, sinabi pa rin ni Abril na hindi susi ang anumang dahas sa pagkuha ng katarungan upang mahuli ang puganteng pastor.
Matatandaan na ipinahayag ng Davao PNP na “More than confident” ang mga ito na nasa loob ng nasbaing compound si Quiboloy, kung saan ay natuklasan pa ang isang “underground area”.
Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ni Abril na hindi kinakailangang magtago ni Quiboloy kung talagang ito ay inosente dahil ang tumutugis naman sa kaniya ay ang mga mambabatas na siyang magbibigay proteksyon sa kaniya.
Samantala, hinggil naman sa pahayag ni Vice President Sara Duterte kung saan ay humingi ito ng tawad sa paggamit ng dahas at lakas ng kapulisan sa mga miyembro at deboto ng relihiyon, kung saan ay tinawag pa niya itong pagtataksil sa sariling bansa at pagkapilipino. Sinabi ni Abril na nagmumukha lamang itong pamumulitika at nagiging magulo sa datinga bawa’t hanay dahil nahahati ito sa dalawa.