BOMBO DAGUPAN – Mabagal at kaunti pa rin ang nagpaparehistrong mga botante araw araw sa bayan ng Alcala dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Roberto Pagdanganan, Election Officer III, COMELEC Alcala, mula buwan ng Hulyo hanggang Agosto, ay nasa 262 pa lamang ang nagparehistro.
Inaaasahan naman na dadagsa ang mga magpaparehistro pagsapit ng buwan ng September.
--Ads--
Naniniwala si Pagdanganan na maabot din nila ang target na bilang na mahigit 2,000 na magpaparehistro pagsapit ng September.
Ang register anywhere program ay malaking bagay na nakatulong sa mga botante.
Payo naman niya sa mga magpaparehistro na palagiang na magdala ng valid ID at kung walang ID ay humingi ng barangay certification.