Hindi dapat binabayaran ang mga source of information para sila ay mainterview at hindi rin dapat nagbabayad ang mga source of information para mafeature sila sa media.

Ito ang pahayag ni professor Danilo Arao, Associate Professor of Journalism, UP Diliman, kaugnay sa viral post ni Mayor Vico Sotto laban sa mga journalists/media personalities na umanoy nababayaran for interviews.

Sinabi ni Arao na kailangan na agad na linawin ng mga broadcaster na sina Julius Babao at Korina Sanchez kung may palitan ba talaga ng pera sa interview.

--Ads--

Malaking palaisipan kay Arao ang unang pahayag ng kampo nina Sanches na umamin na tumatanggap silang bayad sa ilang produkto at serbisyo na anilang fini feature at dumaan pa umano sa mismong network at nag isyu pa sila ng resibo.

Pero nadelete na aniya ang nasabing pahayag at pinalitan pero nawala na ang ganung pag amin.

Nilinaw nito na mga mga interview o media content ay batay sa pinakamataas na pamantayan ng peryodismo, batay sa authority at credibility at hindi kung hanggang magkano ang babayaran para magkaroon ng exposure.

Aniya ang pag feature sa mga personalidad ay batay sa otoridad at kredibilidad at wala itong bayad dahil ang kapalit lang nito ay oras na ilalaan at maibabahaging kaalaman sa mga tagapakinig.

Ang media aniya ay may self regulatory mechanism sa pamamagitan ng code of ethics at iba pang guidelines, ay may malinaw na proseso.

Samantala, sa pag usbong ng mga content creator at mga vloggers ay mali aniya na sabihin ng ilan na hindi na kailangan ngayon ang news media organization.

Sinabi ni Arao na hindi dapat pagbanggahin ang news media o traditional media at mga content creator at mga vloggers kundi dapat ay may colaborasyon ang mga ito.

Una rito ay kinastigo ni Sotto sina Babao at Sanchez sa ‘paid interviews’ kina Sarah Discaya na nakatunggali ni Sotto sa pagka-mayor sa nakaraang 2025 midterm election.

Matatandaang naging daan ang panayam ni Babao sa mag-asawang Discaya noong September 17, 2024 na ipinalabas sa kanyang YouTube channel kung saan ibinahagi nila na mahirap sila noon ngunit nabago ang kabilang buhay dahil sa pagsisikap hanggang sa nagsimula na silang tumanggap ng mga proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

At dahil sa pag-aming ito ng mag-asawang Discaya na kunektado sila sa DPWH ay nag one plus one na ang netizens na kabilang sila sa may mga umano’y anomalyang proyekto sa flood control nationwide dahil binanggit nga ni PBBM ang dalawang kumpanya na pag-aari nila.

Sa kanyang Facebook account ay pinost ni mayor Vico ang screenshots ng panayam ni Julius sa mag-asawang Discaya at nanawagan ang Ama ng Pasig sa mga journalists tungkol dito na binanggit nito na umano’y may bayad na P10M ang nasabing interview.