BOMBO DAGUPAN- Nagkalat ang mga misinformations campaigns lalo na sa internet patungkol sa maganda at masamang epekto ng produktong vape.
Sa panayam ng Bombo Radyo Kay Atty. Benedict Nisperos, Legal Consultant ng Health Justice, patuloy na ineengganyo umano ng mga advertisement ang mga vape users gamit ang mga mali at nakakapanlokong impormasyon.
Kaya patuloy na pinapabulaanan ng mga eksperto kabilang na ang World Health Organization at Department of Health ang mga ito at nagpapaalala sa maaaring makuhang cancer dulot ng toxicity sa nasabing produkto.
Hinihikayat ni Atty, Nisperos na dapat magkaroon ng monitor ang mga magulang sa paggamit nito ng kanilang mga anak.
Samantala, iginiit naman niya na dapat na itong i-ban kung hindi na ito makontrol pa ng gobyerno.
Magkakaroon man ito ng economic impact ngunit dapat naman ito ibalanse sa health impact.