Dagupan City-Naniniwala si Liga ng mga barangay president board member Jose Peralta Jr., na kahit hindi nakatapos ng pag aaral , basta highschool graduate ang mga barangay officials ay maari silang maglingkod sa bayan.
Ito ang naging reaksyon ni Peralta kaugnay sa pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat ay nakapagtapos ng pag-aaral ang sinumang kandidato sa anumang posisyon sa barangay.
Aminado si Peralta na maraming barangay official ang kulang sa edukasyon dahil ang iba ay hindi nakatuntong ng haiskul.
Giit nito na dapat kasama sa kuwalipikasyon ng mga punong barangay at barangay kagawad bukod sa magaling ang serbisyo ay may sapat na edukasyon o kaalaman.
Sa kasalukuyan, tanging mga kwalipikasyon para makatakbo sa darating na barangay elections sa Mayo 14 ay ang pagiging Pilipino, pagiging residente ng barangay ng di bababa sa isang taon bago ang halalan, pagiging rehistradong botante sa naturang barangay, pagiging edad 18 sa araw ng halalan, at pagkakaroon ng kakayahang magbasa at magsulat.
Pero sa tingin ng DILG, kulang pa ang mga nabanggit na kuwalipikasyon dahil hindi biro ang maging kapitan o kagawad dahil bukod sa mabigat ang trabaho, milyon-milyon din ang hawak nilang pera.