BOMBO DAGUPAN – Hindi iisang tao ang gumawa at hindi lang ginawa sa iisang taon.

Ito ang paniniwala ni Wilson Chua, Managing Director at co-Founder ng BITSTOP Incorporated kaugnay sa pag kakahack sa 93 websites ng gobyerno at pribadong kompaniya ng inarestong data security officer ng isang kompanya na si alias “Kangkong”.

Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Chua na nakikita rin siyang may pagkukulang ang nahack na kumpanya para mapabuti ang seguridad ng kanilang website.

--Ads--

Giit niya ang kakulangan ng data security officer na magbabantay at magmamando sa network ng mga government agency kaya unti unti ay nananakaw ang kanilang data.

Kadalasan ay umaatake aniya ang mga hacker sa weekend o mas mahabang panahon ng bakasyon, ngunit kung may taong magmomonitor naman sa website ay mahihirapan ang mga hacker na maacess ang kanilang information system.

Matatandaan na 93 websites ng gobyerno at pribadong kompaniya sa bansa ang na-hack kung saan ay inamin ng hacker na nagawa niyang ma-access ang websites na may servers na nakabase sa ibang bansa.

Noong una ay ginagawa ni alias “Kangkong” lamang ang pagha-hack dahil sa curiosity nito subalit kalaunan ay inaral na niya kung paano mag-hack ng website hanggang sa nakabisado na niya ito.