Makikiisa pa rin ang mga kapatid nating Muslim sa panawagan ng gobyerno na ‘stay at home’ kahit sa pagsisimula ng kanilang Ramadan ngayong araw.

Ayon kay Imam Abdul Cader Demapinto, mula sa bayan ng Calasiao dahil sa banta ng COVID-19 , mananatili lamang sila sa kanilang bahay at dito na lamang magdasal kay ‘Allah’.

Aminado ito na mahirap tanggapin ng iba na sa bahay lang sila ngayon, pero kailangan nilang sumunod sa ECQ.

--Ads--

Sa tuwing Ramadan ay nakasayanan na nila na magpunta sa kanilang mosque upang sabay na magdasal at magkaroon ng salo-salo matapos ang buong araw na pagliban sa pagkain at pag-inum ng tubig ngunit iba ang sitwasyon ngayong taon.

Hiniling naman ni Demapinto sa mga kapatid na Muslim na magdasal kay Allah na matapos na ang dumating na delubyo na dinaranas ngayon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na dulot ng coronavirus kung saan kumitil na ng maraming buhay upang maibalik na sa normal ang lahat.