Humaharap sa akusasyong human trafficking at child sexual abuse ang mga miyembro ng isang Malaysian Religious group dahil sa patuloy na pagsagawa ng krimen matapos ang isang large-scale police crackdown.
Nauna nang naibalita ang Islamic Global Ikhwan Group (GISB) noong nakaraang setyembre matapos i-rescue ng mga kapulisan ang 402 menor de edad na hinihinalang nabiktima ng pang-aabuso sa 20 care homes.
Kaugnay nito, nasa 171 na mga suspek ang naaresto kabilang na ang mga guro at caretakers.
Gayunpaman, sa likod ng mga kinakaharap na alegasyon ay nagpatuloy ang limang miyembro sa pambibiktima upang sapilitang pagtrabahuin sa pamamagitan ng pagbabanta. Kabilang na sa mga akusado ay ang dalawang manager ng resort na pagmamay-ari din ng grupo.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang kabuoang 415 na mga naaaresto at nasa 625 na mga bata naman ang narescue mula sa naturang grupo.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa GISB maging sa ibang bansa, at naghahangand ng tulong mula sa Interpol.